Ano nga ba ang Inclusive Governance? 🤔
Sa madaling salita: ito ay pamamahala kung saan may boses ang LAHAT, lalo na ang mga madalas na hindi pinakikinggan: kababaihan, LGBTQIA+, persons with disabilities, indigenous peoples, youth, at iba pang marginalized sectors.
Hindi lang ito tungkol sa eleksyon. Hindi lang ito tungkol sa gobyerno. Ito ay tungkol sa kapangyarihan na ibinabahagi, sa desisyong sama-samang ginagawa, at sa komunidad na walang iniiwan.
🎯 About SAMA-SAMA PROJECT
Ang SAMA-SAMA PROJECT ay isang inisyatiba ng CECI (Centre for International Studies and Cooperation) at CONCERN, sa suporta ng Gobyerno ng Canada, na naglalayong palakasin ang kapasidad ng mga grassroots organizations sa Eastern Samar, Cebu, Mindanao, at BARMM para sa Gender-Equal, Human Rights-Based, and Inclusive Governance (GEHRIG).
Sa pamamagitan ng pagsasanay, community organizing, at policy engagement, nakikipagtulungan kami sa mga kababaihan at marginalized sectors hindi lang upang sila’y mapakinggan, kundi makalahok at makapagdesisyon sa mga bagay na direktang nakakaapekto sa kanilang buhay.
Dahil walang tunay na kaunlaran kung may naiiwan.
📌 I-save, i-share, at gamitin sa inyong mga organisasyon!
👇 Anong klaseng partisipasyon ang gusto mong makita sa inyong barangay? Comment below! Gusto mo bang magkaroon ng ganitong klaseng training sa inyong lugar? Mag-message lang!








